Panibagong Takipsilim

bab

Nakatingin sa mga bituin,

Akoy muling humihiling,

Na sa munting liwanag,

Ako rin ay iyong hinahanap.

 

Sa lumalalim na gabi

At lumalamig na hangin,

Ako’y muling nagtatanong,

“Laman din ba ako ng iyong pangarap?”

 

Nakasilip ang buwan

Sa pagitan ng mga ulap

Na tila ba alam

Ang sagot sa aking tanong.

 

Nakaukit sa mga ulap

Ang iyong larawan-

May hugis at porma,

Ngunit mahirap makilala.

 

May himig ng ibon

Sa hindi kalayuan,

Ngunit nais kong marinig

Ang iyong awitin.

 

Nakababa na ang kurtina

Ng bawat bahay,

Ngunit hindi sa bintana

Ng puso kong naghihintay.

 

Abot-tanaw ko ang mga bundok

Na tila bakod ng mundo,

Ngunit di ko alam kung ika’y nasaan,

Lawakan ko man ang aking paningin.

 

Ang mga mensaheng hindi masabi-

Ng puso kong kumikirot,

Ng labi kong nanginginig,

Ay ipapadala na lang sa hangin.

 

Nais kong maunawaan mo

Na sa gitna ng katahimikan,

Hindi lahat ng naiiwang sugatan

Ay patuloy na magdaramdam.

 

Alalahanin mo sana

Na sa gitna ng dilim,

Liwanag ang hahanapin

Ng ating mga mata.

 

Limutin mo ang iyong pangamba,

At damhin ang pagmamahal

Na handog ng gabi,

Na minsan mong kinatakutan.

 

At sa bawat araw,

Habang ako’y may paningin,

Ika’y hihintayin,

Sa panibagong takipsilim.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s